Skip to main content

Posts

Showing posts from April 7, 2022

Bakit si Isko? (Opinyon)

  ·         Sa darating na eleksyon maraming mga kanditato na ang nagpapasikat at nagpapakilala upang suyuin at ligawan ang mga boboto sa papalit na national elections sa darating na Mayo 9, 2022. Mayroong sampu (10) na kandidato ang susubok ilaban ang kanilang sarili at ipanalo ang upuan upang maging pangulo ng Pilipinas na kung saan kanila rin mamanahin hindi lamang ang responsibilidad subalit kasama rin dito ang mga problema na mayroon ang ating bansa. Sa aking palagay mula sa dami ng kanditato na susubok para sa pagka-pangulo, para sa akin ang pipiliin kong iboto ay si Domagoso, Isko Moreno o mas kilala bilang si “Isko”. ·         Bago ko banggitin paano si Isko naging maka-pilipinas, bibigyan ko muna kayo ng pahapyaw na dahilan kung bakit ko pipiliin si Isko bilang aking susunod na pangulo. Una, si Isko sa lahat ng kanditato ang pinakakilala ko dahil mula noong siya ay naging Alkalde ng Manila nasubaybayan ko na ang kaniyang mga ginawa at mga gagawain at masasabi ko rito na cons