Skip to main content

Posts

Showing posts from April 8, 2022

“Filipino Wika Ng Sinilangan” ni Lourenzo Manimtim

  “Filipino Wika Ng Sinilangan” Ang wika ay ang simbolo ng isang bansa, ito ang simbolo ng kultura, tradisyon, at nang kanilang pagkakakilanlan o identidad. Napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagsisilbing tulay sa mga tao upang magkaroon sila ng kakayahan makipag salamuha, makipag usap at bumuo ng koneksyon sa bawat isa. Ang wika ay napakahalaga at kahit kailan man hinding hindi mo pwedeng itakwil o kaligtaan. Ang wika ay dapat bigyan ng pagmamahal, ito ay para sa lahat at ang wika ay malaya.  “O, ano kayo? Hanggang diyan na lamang ba kayo sa Pilipino?” - Genova Matute Napukaw ang aking damdamin, ako ay nagising at namulat sa katotohanan at realidad ng sitwasyon ng ating wika sa kasalukuyang panahon mula ng tapos kong binasa ang tatlong akda na kumatok sa aking puso. Ang mga mensahe ng mga akdang binasa ko ay ang nag-udyok sa akin isulat ang aking sulatin ngayon. Ang mga akdang ito ay ang “Liham sa Kabataan ng Taong 2070” ni Genoveva Matute, “Ang pagbaba mula sa torre n...