Skip to main content

Posts

Showing posts from October 25, 2021

“Ang Tulay ng Pangarap isang bagong Buhay” (A Sample Grade 11 Filipino Self-Introduction)

Ako si Lourenzo Gabrielle O. Manimtim at ngayong taon na ito ako ay isang bagong transferee para sa Sienna College of Taytay (SCT) Para sa taong 2020-2021. Ako ay nagmula sa Colegio de San Clemente (CDSC) sa Angono, Rizal at doon ay nag-aral ako mula ika-7 baitang hanggang sa aking ika-10 baitang o ika-4 na taon sa junior highschool. Katulad ng SCT ang CDSC ay isa ring katolikong paaralan kung saan dito hinuhubog at pinanalalalim ang aming pagkamalapit at pananampalataya sa diyos. Sa buhay ko bilang isang mag-aaral mas nagustuhan ko ang mag-aral sa isang katolikong paaralan. Sapagkat dito sa mga ganitong klaseng iskwelahan ay nalilinang ang aking pagiging madasalin at ang pagiging maka-diyos ng isang tao. Mahalaga saakin ang maging maka-diyos at madasalin. Sapagkat alam ko na hindi ako mabubuhay ng matagal kapag hindi ko kasama ang Diyos at ako ay isang makasalanang tao. Araw-araw kailangan ko humingi ng tawad at magbago upang ...