·
Bago
ko banggitin paano si Isko naging maka-pilipinas, bibigyan ko muna kayo ng
pahapyaw na dahilan kung bakit ko pipiliin si Isko bilang aking susunod na
pangulo. Una, si Isko sa lahat ng kanditato ang pinakakilala ko dahil mula noong
siya ay naging Alkalde ng Manila nasubaybayan ko na ang kaniyang mga ginawa at
mga gagawain at masasabi ko rito na consistent si Isko. Pangalawa, si Isko ay
bali sa namumukod tanging laban ng the Liberal at mga Apologists, wala siyang
panig at kayang kaya niyang makisama. Maari mo man siyang tawaging paniki o
balimbing, sa tingin mas importante ngayon na magkaroon ng pinunong kayang kaya
magbalanse at makisama sa iba’t ibang mga pinuno ng iba’t iba’t mga grupo at
mga political party. Ikatlo at panghuli, sa aking opinyon si Isko para
sa akin ay karapat dapat sapagkat Bilis kilos tayo at “God First” tayo sa lahat
ng ating mga desisyon. Sapagkat ang diyos ay ang ating dapat maging batayan ang
gabay sa pagdesiyon sa buhay.
·
Mula ng aking binasa ang kaniyang mga inihain na
plataporma para sa eleskyon masasabi ko na ito ay maka-pilipinas. Kasama sa
kaniyang mga plataporma ay ang pagpapatuloy sa BBB o ang Build Build Build
Program na inilunsad ng administrasyong duturte. Nais ni Isko na palawigin
ang patatayo ng mga Ospital at mga Eskwelahan lalo na sa mga malalayong lugar.
Naglalayon din sa BBB ang paggawa at pagpaparami ng mga trabaho. Nais din ni
Isko na bigyan ng importansya at pabutihin ang sektor ng agrikultura sa
pamamagitan ng paggamit ng mga bagong teknolohiya, sapagkat ang agrikultura ay
ang isa sa mga pinakaimportanteng sektor sapagkat pinapakain nito ay buong
populasyon. Papalakasin rin ni Isko ang kultura at pagiging mamamayan ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga historic sights at
pagtatayo ng Department of National Culture and History at konstruksyon
para sa Iloilo-Guimaras Bridge. Maliban diyan marami pang mga proyekto
at mga naging nagawa si Isko, tulad ng advanced pandemic response sa
lungsod ng Manila, na naging isa sa mga pinaka-epeketibong lungsod sa paglaban
ng COVID-19.
·
Marami
mang magandang nagawa si Isko, bilag isang mamboboto, hindi ako ilang sa
limitasyon ni Isko bilang mambabatas at bilang isang tao. Hindi ko masasabi na
si Isko ay isang politikong walang pahid ng korupsyon at isang politikong
perpekto. Maraming nagawa si Isko at may nagawa rin siyang mga bagay na hindi
kaaya aya. Mayroon siyang nakaraan noon na dawit sa isang corruption case at
marami pang iba. Mayroon din akong ibang hindi pag-sangayon kay Isko tulad ng
pagtayo at pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant kung saan si Isko ay
di payag buksan muli ito.
·
Pero
sa huli si Isko Moreno, parin ang iboboto ko, naniniwala ako sa kaniyang
kakayahan at isa rin siya sa mga idolo kong mayor sa Pilipinas. Para sa akin di
natin kailangan ang isang pangulong sobrang linis, para sa akin mas’ gusto ang
isang pangulo ng may naging karanasan sa dalawang panig ng ilaw (Dark Force).
Maraming salamat sa pag-basa ng aking opinyon! Mabuhay ang pagpalain ka ng
Diyos!
Comments
Post a Comment