Ako
ay nagmula sa Colegio de San Clemente (CDSC) sa Angono, Rizal at doon ay
nag-aral ako mula ika-7 baitang hanggang sa aking ika-10 baitang o ika-4 na
taon sa junior highschool. Katulad ng SCT ang CDSC ay isa ring katolikong
paaralan kung saan dito hinuhubog at pinanalalalim ang aming pagkamalapit at
pananampalataya sa diyos.
Sa
buhay ko bilang isang mag-aaral mas nagustuhan ko ang mag-aral sa isang katolikong
paaralan. Sapagkat dito sa mga ganitong klaseng iskwelahan ay nalilinang ang
aking pagiging madasalin at ang pagiging maka-diyos ng isang tao. Mahalaga
saakin ang maging maka-diyos at madasalin. Sapagkat alam ko na hindi ako
mabubuhay ng matagal kapag hindi ko kasama ang Diyos at ako ay isang
makasalanang tao. Araw-araw kailangan ko humingi ng tawad at magbago upang ang
diyos ay magalak saakin at pagpalain
para mabigyan pa niya ako nang mas maraming mga biyaya upang ako ay
makapag-patuloy na makapag-lingkod sa kaniya.
Bilang
mga Katoliko mahalaga saatin na tayo ay maging mga taong Maka-Diyos. Kailan
parati nating panatilihin ang mag-dasal at humingi ng tawad sa ating panginoon
na Maykapal. At bilang mga katoliko mahalaga rin saatin ang pag-sisimba tuwing
araw ng lingo at sa mga panahon banal na araw sapagkat ito ang pinaka-dakilang antas
ng pag-darasal. At ito ang dahilan kung bakit aking pinilli ang mag-aral sa
isang katolikong paaralan kumpara sa ibang mga eskwelahan. Sapagkat sa mga katolikong
paaralan na napapakiramdaman ko na ako ay mas malapit sa diyos.
Sinasabi
natin na ang diyos ay nandirito kahit saan at nasa paligid lang naman natin ang
kaniyang presensiya. Tama iyon pero kapag ako ay malapit sa simbahan sa aking
pakiramdam ako ay mas malapit sa diyos kahit kalian man sa aking buhay. Dahil
ang CDSC o ang aking nakaraang eskwelahan na pinasukan ay katabi lamang ng
simbahan. Kung ako man ay malungkot o nahihirapan alam na ang diyos ay malapit lang
saakin. Nandirito siya upang pakinggan ang aking mga daing at mga dalangin malungkot
man ito o masaya. Ginagabayan rin niya ako kapag ako ay may isang malubhang
problema at pinaiimpis ang kung anumang sakit o pighati na aking nararamdaman.
At napapasaya pa ako nito upang mabuhay ng masaya at maligaya sa susunod na
araw.
Ang
isang katolikong paaralan ay parang tulad rin lamang ng isang normal na paaralan
sa larangan ng Sistema ng edukasyon. May eskwelahan, may mga silid-paaralan,
mga Guro at mga pang-akademikong minor at major na Asignatura kung saan
sumusunod din sila sa utos ng DepEd o Department of Education para naman sa mga
aktibidad at mga gawaing pampaaralan, halimbawa nito ay ang; Buwan ng Nutrisyon
at ang Buwan ng Wika.
Subalit
ang mga katolikong paaralan naman ay may sarili ding mga gawain at mga aktibidad
na iba kumpara sa ibang mga eskwelahan. Kung aking pang natatandaan ang mga
bagay na naranasan ang halimbawa ng mga pangyayaring ito ay; mga first friday
devotion, o ang pagsisimba tuwing ika-unang biyernes ng buwan, pagsisimba
tuwing sa espesyal na mga araw sa liturgical calendar, araw-araw na pag-darasal
ng rosaryo at ng Angelus tuwing 12:00 pm o alas dose’ ng hapon.
Sa
aking buhay bilang mag-aaral naman, noong ako ay nasa ika-7 baitang pa lamang ay
tulad lamang ako ng isang normal na estudyante pero noong ako’y tumungtong sa
ika-8 baitang. Naisipan ko na ang mag-sipag magaral na ako ng mabuti upang
hindi naman masayang ang matrikula na ipinundar ng aking mga magulang para ako
ay pag-aralin sa isang pribadong katolikong paaralan. Pagkatapos noon nang
ako’y nagsikap sa bawat taon mula ika-8 baitang unting-unti tumaas ang aking lebel
o antas sa klase. Sa aking motto na “With Learning comes Innovation,
proceeding to Evolution” Matuto, Mapabuti at Magbago. Kasama ang aking Proper
mindset o tamang pag-iisip. Mula ika-8 baitang unting-unti dumami ang mga
parangal at medalya na aking nakukuha. Salamat sa Diyos, sapagkat mula sa isang
medalya noong ika-8 baitang, nagging lima noong ika-9 na baitang at naging anim
at pitong sertipiko ang aking nakuha sa aking Grade 10.
Mahilig
akong mag-basa, kumain, umarte sa entabaldo, kumunta at tumula. Kaya ko ring mag-sulat
ng mga kuwento, tula, maikling nobela at mga Plays o mga script para sa
mga teatro. Marunong din ako magsulat ng balita kasi noong ako ay grade 6 sa
Angono, Elementary School, kasama ako sa mga ipinanlalaban sa mga Presscon competitions
ang pakikipagtunggali sa ibang mga estudyante mambabalita at ako rin ang
Main Field Journalist ng aming eskwelahan sa CDSC at Presidente ng aming Young
Writers Club.
Ang
aking paboritong asignatura naman ay ang AP o Araling Panlipunan sapagkat
gustong-gusto ko ang history. Kasi masarap balikan ang mga panahon ng
kabayabihan ng iba’t ibang mga bayani sa mundo, mga sibilisasyon na Nawala na
sa mundong ito, mga natuturing pangyayari noong unang panahon at mga bagay na
nagpabago sa daloy ng panahon o ang mga tao na nakagawa ng isang malaking pagbabago sa
mundo noong sila pa ay nabubuhay etc. Kasama rin dito ang CLE, kasi para saakin
ito ang pinaka realaxing na subject kasi saamin yung teacher namin dito ay kung
siya ay mag tatalakay ng isang paksa. Ang klase ng kaniyang pagtuturo ay
kalmadong kung magkuwento. Malumanay pa ang boses ng aming Guro kaya sobrang relaxing.
Komportable na komportable kami sa lood ng silid-aralan at maya maya’y mayroon
ng mga iiling-iling at maya’y matutulog. Pero hindi ko ginagawa iyon ah!
Nakikinig ako ng mabuti sa aking guro sapagkat ako ay isang mabait bata.
Nakakatiis ako ng mga temptasyon pero minsan, Alam mo na.
Hindi,
isa sa mga paborito ko ang CLE kasi dito tinatalakay natin ang mga topic
tungkol sa ating panginoon. At mahal na mahal ko po si Lord. Pero siguro
sa pagdating ko sa Grade 11 sa tingin ko ay magiging paborito ko ang lahat ng
mga asignatura. At ang nasa pitong pinka-gusto ko dito ay CLE, ELS, WRBS, DISS,
OC, RW at FILIPINO.
Sa
hindi pamilyar at bagong istilo sa pag-aaral, inaasahan kong ang taong ito sa
pag-aaral ay magkakaroon ng maraming mga problema. Ngunit kahit sa mga
paghihirap at sitwasyong iyon, alam ko na maaari nating maiakma at lupigin ang
bagong battlefield na ito. Para sa kapakanan ng ating personal na
paglago, pagbabago, at pag-unlad ng sarili, alam kong lahat sa atin ay
makakagawa nito. Maaari itong mga Guro o Mag-aaral, at alam ko na magtatagumpay
tayo dahil, tulad ng kasabihan, "Maniwala ka at maaari mong Makamit"
ang paniniwala lamang sa iyong sarili at itanim ang isang malakas na paniniwala
at pakainin ang apoy nito ng Kaalaman. Alam kong magagawa natin ang ating mga
layunin at hindi mabibigo. At bilang isang bagong mag-aaral, nasa akin ang
gawain at makukuha sa bagong Labanan.
Sir.
Elijah Decastro, Ako po si Lourenzo Gabrielle O. Manimtim dating Clementian
ngayon ay Siennan. Ako ay isang Transferee. Handa po akong matututo at ma-challenge.
Maraming Salamat Po!
Blessed
be God Forever!
Comments
Post a Comment