·
Ang kakayahan bumoto ay isang
karapatan ng bawat mamayang pilipino na piliin ang leader na kanilang nais. Isa
itong karapatan na walang sino man ang dapat kumuha o mang-abuso rito. Subalit
ang pagboto ito man ay ating obligasyon at karapatan, ito rin ay isa sa ating
pinakamalaking responsibilidad bilang isang Pilipino. Nasa ating mga kamay ang
kinabukasan ng ating bansa sapagkat nasa ating mga palad ang kapangyarihan na
mag-luklok sa lider na ating tinatamasa. Pero sa desisyon na ating gagawin sa
pagpili ng ating mga susunod na mga mamumuno. Marapat nating isaisip at
pagpilian ng mabuti ang ating iboboto. Ito bang kandidatong ito ay tapat sa kanyang
salita magpakailanman? Ito bang kandidatong ito ay may prinsipyo at may takot
sa Diyos? At ito bang kandidatong ito ay magiging tapat at inaangat ang lahat
kapag siya ay naluklok? Maging mausisa sa pagpili ng mga susunod ng lider ng
bayan sapagkat kung ano man ang kanilang mga gagawin at desisyon para sa
kinabukasan. Siguradong sigurado na damay damay tayong lahat. Tulad ng
pag-iisang dibdib ng dalawang umiirog, ang pagboto ay isang paninindigan para
sa matagal na panahon ng serbisyo sa hirap man o ginhawa tayo ay nandirito.
Maging matalinong botante aking kababayan, huwag ka maging isang inutil na
huwad, huwag magpaloko at maging matalino, bumoto ka ng tapat sa puso mo.
Comments
Post a Comment