Introduksiyon
Ang akda ni Francisco Sionil Jose, isang National Artist, na pinamagatang Why are we shallow? Ay isa sa kanyang mga maimpluwensyang sulatin na pumapatungkol sa mga tunay na pangyayari sa mga iba’t ibang mga kontemporaryong isyu na nararanasan dito sa ating bansa. Ibinunyag ng kanyang akda ang mga mga dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay naging mababaw. At ang isa sa mga dahilan na kanyang mga nabanggit mula sa kaniyang sulatin ay ang kulang at mababang kalidad na Edukasyon, lalong lalo na sa larangan ng pagtuturo ng kultura at kasaysayan sa kabataan.
Ang edukasyon ay isang responsibilidad at pribilehiyo para sa bawat isa.
Ito ang nagsisilbing pundasyon at lakas ng isang tao sa kanyang pagsubok sa mga
laban at hirap ng buhay. Napakahalaga at napakaimportante ng edukasyon lalong
lalo na sa mga kabataan. Dahil ang edukasyon ay ang magsisilbing gabay sa mga
kabataan hindi lamang sa pagtahak para sa laban ng buhay subalit pati na rin sa
pag-alala at pagkilala ng kanilang kultura, kasaysayan at identidad bilang
isang Pilipino. Nakakalungkot man makita at ma-obserbahan ang mga tunay na
realidad sa sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas kung saan ang karamihan ng
mga Pilipino ay nakalimot na sa ating kasaysayan at pagtangkilik sa mga kultura
ng ating bansa. Mas pipiliin ng Pilipino ang kasiyahan kaysa kasaysayan, kaginhawaan
at katanyagan kumpara sa pagmamahal sa ating bayan. Mas maraming mga Pilipino
ang naakit mas nais na tangkilikin ang kultura at mga gawi ng ibang mga bansa
dahil mas masaya at mas nakakatulong ito sa kanilang buhay. Ang kawalan at
paglimot ng maraming mga Pilipino sa kasaysayan at kultura ng bansa ay dahil sa
mga kakulangan pagdating sa kasalukuyang sistema ng edukasyon ng ating bansa.
Ang edukasyon, kahit kailanman ay hinding hindi maipagkakaila. Ang
pagbibigay ng tamang edukasyon ang nagbibigay daan sa pagkilala ng kultura at
kasaysayan ng ating bansa. Ito ang mag-udyok sa pagkilala at pagbabalik tanaw
sa mga importanteng pangyayari ng nakaraan, na isang mahalagang sangkap sa
pagbuo at pagtatag ng isang bansa. Subalit sa malaki at mapaghamong paglalakbay
ng mga Pilipino sa pagtahak tungo sa mabuting edukasyon. Maraming mga hamon ang
kailangang malagpasan at mapagtagumpayan. Sa tekstong ito iyong mababasa at
malalaman alinsunod sa akda ni F. Sionil Jose, Why are we shallow? Ang
mga dahilan kung bakit ang pilipino ay nagiging mababaw sa edukasyon na
nagdulot sa kamangmangan at pagkalimot ng maraming mga pilipino sa kultura at
kasaysayan ng ating bansa.
Unang Argumento
Isa sa mga dahilan ayon sa akda ay ang mga kakulangan sa sistema ng
edukasyon na nagdudulot sa pagbaba ng antas ng iskolarship at ang academic
excellence o ang kahusyan ng mga estudyanteng pilipino. Ito ay maaaring
iugnay sa resulta ng mga pag-aaral sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon
sa mga pananaliksik, ang mga Piilipino ay mababa sa reading comprehension na
nagdulot sa pagbaba ng kakayahan at kahusayan ng mga Pilipinong mag-aaral sa
Sipnayan (Math), Ingles (English) at Agham (Science).
Mahigit walumpu’t porsyento (80%) ng mga Pilipinong
mag-aaral ay hindi nakaabot sa minimo ng antas ng kasanayan sa pagbasa. Ang mga
mabababang marka sa Sipnayan, Ingles at Agham ay dulot sa kulang na kakayahan
ng mga mag-aaral sa payak na pagbasa at pag-unawa (Tomas, 2021).
Ang pagkababa ng academic excellence ng mga estyudanteng Pilipino
ay maaari din maiuugnay mula sa artikulo ni Magsambol (2020) na sinasabing ayon
sa resulta ng Trends in international Mathematics and Science Study (TIMSS)
noong 2019 ang Pilipinas ay nakukuha ng “mas mababang” marka kumpara sa
ibang mga bansa sa pagtataya na ginawa sa larangan ng Sipnayan at Agham mula sa
mga mag-aaral ng ika-4 na baitang. Ang Pilipinas ay isa sa mga nakakuha ng
pinakamababang resulta sa pagtatasa sa dalawang asignatura, ang pilipinas ay
nakapwesto sa bilang limamput walo (58).
Matatanto mula sa resulta ng mga datos na karamihan sa mga Pilipinong
mag-aaral ay limitado at mahina sa mga paksa ng Sipnayan at Agham. Limitado ang
kanilang mga kaalaman sa mga scientific concepts, foundational
science facts at basic mathematical knowledge. Ang resulta ay maaaring
ring maging isang repleksyon na sumasalamin sa mababang akademikong pagganap o academic
performance ng mga estudyanteng Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Gayunman, ang mababang resulta na nakuha ng mga Pilipinong mag-aaral sa
pagtatasa ng TIMSS, ay hindi masisisi. Sapagkat, mababa ang kasalukuyang
kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Mababa ito dahil sa mga problema na
kinakaharap ng mga estudyante at guro sa kasalukuyang sistema ng edukasyon na
dulot ng iba’t ibang mga isyu at problema na nararanasan ng ating lipunan tulad
ng COVID-19 pandemic na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon ng mga Pilipinong
mag-aaral.
Ayon sa New York Essays (2017) ang mga dahilan kung bakit ang mga
Pilipinong mag-aaral ay hindi nakakakuha ng tama at sapat na kalidad ng edukasyon
ay dahil sa mga iba’t ibang mga problema tulad ng kakulangan sa mga kagamitan
sa paaralan (School Supplies), kulang na mga pasilidad para sa pag-aaral
at tamang badyet sa mga paaralan, at ang kahirapan o poverty na
nag-dudulot ng mga drop-out rates o ang pagtigil sa pag-aaral ng
mga estudyante. Problema rin ang mga, kakulangan sa mga kagamitang pang
instruksiyon o ang mga bago at latest na educational materials,
Mababang kakayahan at karanasan ng mga guro sa pagtuturo, mga mismatch o
di-angkop na trabaho para sa guro na lingid sa kanilang area of
specialization, pangangailangan ng mga guro sa mas maraming mga trainings
o seminar para sa kanilang professional development, At pang-huli,
ang kaunti at di-pantay na sahod at mga benepisyo na natatanggap ng mga guro sa
mula sa hirap ng kanilang trabaho. Alinsunod rin mula sa Child Hope Philippines
(2021) na sinasabing mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Hindi
nabibigyan ng gobyerno ng tamang alokasyon ng badyet ang edukasyon. Hindi patas
o hindi pantay ang access sa sapat na edukasyon na nagdulot ng digital
divide at ng mga OSY o Out of School Youth lalong lalo na ngayon sa
panahon ng epidemya.
Ang mga pilipino ay na masisipag, mapursugi at matiyaga na mga tao. Hindi
sumusuko ang mga Pilipino para lamang makapag-aral. Buhay ang iniiaalay upang
makapag-tapos. Pero mapagninilayan mula sa mga ebidensya ang katotohanan at mga
rason kung bakit hindi nakukuha ng mga batang Pilipino ang tama at sapat na
kalidad ng edukasyon. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang may kakulangan sa
edukasyon, subalit pati ang mga guro na tagapagturo at tagapagtaguyod sa mga
kinabukasan ng ating bansa ay nakakaranas rin ng mga problema. Dapat marapating
bigyan ng malaking pagpapahalaga ang pag-aaral. Magsagawa ng mga pangmatagalan
at epektibong solusyon sa mga problema at isyu sa edukasyon na nararanasan ng
ating mga mag-aaral at mga guro sa kasalukuyang panahon. Nasa salalay sa
edukasyon ang kinabukasan ng bansa. Ito ay dapat pahalagahan na kahit kailanman
ay di-dapat kaligtaan.
Ikalawang Argumento
Mula sa mga naging resulta ng mga pandaigdigang pagtataya sa edukasyon at kahusayan ng bansang Pilipinas. Nakitang mababa ang naging resulta ng mga datos ng mga Pilipinong mag-aaral. Kaya bilang sagot sa problema mas pinalawig at pinahahalagahan ngayon sa bansa ang mga pangunahing on-demand subjects na para sa pakikipag-sabayan sa Globalisasyon, ang Sipnayan, Ingles at Agham.
Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Leonor Briones, aniya, nais
ng kagawaran na mas mapaunlad at mas mapabuti ang kakayahan at ang marka ng mga
Pilipinong mag-aaral sa larangan ng sipnayan, ingles at agham. Sapagkat, ang
Pilipinas ay sasabak muli ng ikalawang beses sa PISA 2022 (Program for
International Student Assessment 2022) layunin ng kagawaran na sa taong ito
ay mas mapabuti ang resulta ng pagtatasa. Sisikapin ng Kagawaran ng Edukasyon
na baguhin at mapataas ang kalidad ng kasalukuyang kurikulum (Magsambol, 2020).
Subalit, sa pag-transisyon ng edukasyon sa pag-pokus sa mga on-demand
subjects’ para sa pag-unlad at nakikipagsabayan sa Globalisasyon. Dito
papasok ang ikalawang dahilan, bakit nagiging mababaw ang mga Pilipino. Ito ay
ang pagtanggal at pagkawala ng kahalagahan sa pag aaral ng humanities na
nagdudulot ng pagkalimot ng mga kabataan sa kultura at kasaysayan ng ating
bansa. Alinsunod sa akda ni Sionil Jose (2011) sinasabing mas kaunti na lamang
ang diin sa Humanities, umuunti na ang pag-aaral ng mga classics
na nagbibigay-daan sa mga tao na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa ating
kasaysayan at sa mga pilosopiya ng nakaraan.
Masasalamin ito sa mula sa CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013, ang
“The General Education Curriculum Holistic Understandings, Intellectual and
Civic Competencies” na isinabatas at ipinahayag ng Korte Suprema noong
Oktubre 9, 2018, para sa pagtanggal ng mga asignaturang Filipino, Panitikan, at
ang Constitution ng Pilipinas sa mga pangunahing paksa o required core
subjects’ sa kolehiyo. Ayon sa batas, tinanggal na ang mga paksang
Filipino, Panitikan at Constitution sapagkat ito na raw ay itinuturo sa basic
curriculum ng bansa sa elementarya, junior high school at sa senior
high (Grades 1 to 12). Naisabatas ang “The General Education
Curriculum Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies” dahil
makakapag-bigay daw ito ng daan at oportunidad para sa mga nagtapos ng Basic
Education na mas mapaghusayan ang kanilang mga pangunahing kakayahan at
kasanayan para sa Globalisasyon at sa mga kasalukuyang pangangailan ng lipunan.
Nais rin ng CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013, na maging university-ready
ang mga graduate ng basic education.
Maganda ang mga benepisyo na maaaring magbigay ng panukalang batas lalong
na sa pag-unlad ng edukasyon at kakayahan ng mga Pilipino para makipagsabayan
sa Globalisasyon. Pero hindi dapat natin isawalang bahala na maraming
mahahalagang mga aral ang mawawala at makakalimutan lalong lalo na sa paksang humanities.
Ang pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo ay nagbibigay daan sa mas
malawak na pagkalimot sa kultura at kasaysayan ng ating bansa. Ayon kay Mongaya
(2018), ang pagbura ng Filipino ay isa sa mga wider educational packages na
nakakapagpababa sa kahalagahan ng humanities at ng iba pang mga paksang
importante para sa paghubog o formation ng mga mabubuting ugali para sa
mga estudyanteng Pilipino.
Gayunman, ang nangyari hindi ito pinabayaan mga Pilipinong propesor,
iskolar at ng mga estudyante sa Pilipinas. Nagkaroon ng isang misyon at
kampanya ang mga edukado laban sa pagtanggal ng pagtuturo ng Wikang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo. Ayon kay Dr. Ramon Guillermo ng isang propesor ng U.P.
Diliman, aniya, “Hindi hadlang para sa ibang bansa ang sarili nilang wika upang
maging progresibo, kaya dapat masaisip nating mga Filipino na ang wikang
Filipino ay hindi dapat maging sagabal sa pag-unlad.”
Maraming mga grupo ang nagprotesta sa aksyon ng pagtanggal ng Filipino
at Panitikan sa kolehiyo, ang Tanggol Wika, isang alyansa ng mga propesor, mga
estudyante, mga manunulat at ng mga manggagawang pangkultura ay nag sumite ng
isang motion for reconsideration sa Korte Suprema. Nagbabala sila na
10,000 guro ang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa pagbabago ng kurikulum
(Mongaya, 2018).
Napakahalaga ng humanities sa ating bansa sapagkat ito ang
nagtuturo sa ating mga mag-aaral ng kultura at kasaysayan. Ito ay nagbibigay
daan sa kanila sa pag-alala sa mga karanasan na gigising sa mga estudyante sa
mga katotohanan na dinanas ng ating lipunan. Sa humanities binibigyan rin ng
malaking importansya ang pagiging makatao at ang pagmamahal sa kapwa.
Maliban sa pag-aalsa ng mga edukado laban sa pagpaparangal ng wikang
Filipino bilang isa sa mga pangunahing at kinakailangang paksa sa kolehiyo. Sa
kasalukuyang panahon, dala ng K to 12 Kurikulum, isa sa mga kursong pwedeng
matahak sa Senior High School (SHS) ay ang HUMSS o ang Humanities and
Social Sciences strand. Ayon sa mga institusyong pang-akademiko ang mga
estudyante ng kursong ito ay tinuturuan ng iba’t ibang kakayahang panlipunan
tulad ng pagsusulat, komunikasyon at pananaliksik. Binibigyang kahulugan ang
importansya at kahalagahan ng kultura, kasaysayan at lipunan. At ang iyong
mahalagang gampanin bilang miyembro ng sambayanan. Mahalagang attensyon din sa
kursong ito ang mga asignaturang tulad ng CPAR at USCP kung saan bilang isang HUMSS
student, sa mga paksang ito ay nasasaisip at pinag-aaralan nila kung paano
ba nabuo ang mga lipunan at ang kahalagahan ng kultura at kasaysayan ng ating
bansa. Ayon sa CIIT (n.d.). Ang HUMSS ay pinakamainam para sa mga mag-aaral na
gustong ituloy ang mga kursong Edukasyon, Komunikasyon sa Masa, Sining sa
Teatro, AB English, Political Science, at iba pang mga kaugnay na kurso.
Bilang kinabukasan at pag-asa ng ating bayan, nasa responsibilidad ng
mga mag-aaral ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng ating
bansa kasabay ng kaunlaran ng Globalisasyon. Tulad ng sabi ni Dr. Jose Rizal,
“Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan.” At aniya din niya na “Ang hindi marunong
lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
Konklusyon at Suhestiyon
Ang akdang Why are we shallow? Ni Francisco Sionil Jose, ay sumasalamin
sa mga tunay na pangyayari sa iba’t ibang mga kontemporaryong isyu na nararanasan
ng ating bansa. Ipinahihiwatig mula sa kanyang akda ang mga dahilan kung bakit
nagiging mababaw ang mga Pilipino. At isa na nga rito ang mababang kalidad na
Edukasyon, lalong lalo na sa larangan ng pagtuturo ng kultura at kasaysayan sa
mga kabataan.
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating buhay lalong
lalo sa mga kabataan. Oo, tamang dapat nating sanayan at pag-husayin ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Sipnayan, Agham at Ingles. Para sa
kaunlaran ng kanilang mga abilidad at kakayahan upang makipag-sabayan sa mga
pangangailangan ng lipunan at makipagsabayan sa ibang mga bansa sa larangan
Globalisasyon. Subalit, ang pag-aaral ng ating kultura at kasaysayan, ay dapat
hindi natin kalimutan. Sapagkat ito ang simbolo ng ating pinanggalingan, ang
identidad at ang pagkilala sa ating mga sarili bilang Pilipino na bumubuo sa
halaga ng pagiging makatao at pagmamahal sa kapwa. Ang pag-aaral at pagbibigay
halaga sa kultura at kasaysayan ang nagbubuklod sa isa’t isa at ang magdadala ng
Humanities o Humanismo sa mga tao. Ang kultura at kasaysayan ay isa ring
mahalagang sangkap sa pagbuo ng isang makabayan at malakas na bansa.
Hindi hadlang sa bansa ang pagmamahal sa Kultura at Kasaysayan. Dahil
ito pa nga ang mas lalong magpapatatag sa puso at kalasakasan ng ating mga
Pilipino. Ani nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong lumingon sa
pinangalinan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
Mahalin natin ang ating bayan at huwag itong kaligtaan. Pahalagahan ang
kultura at kasaysayan dahil ito ang kaluluwa at simbolo ng ating bansa.
Magsisimula ang pagsugpo sa kababawan ng mga Pilipino kung magsisimula ang
pagbibigay ng mas malaking kahalagahan sa pagpapaunlad ng kalidad ng ating
Edukasyon at importansya sa pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng ating bansa.
Sitasyon ng mga referens
at ebidensiya:
CHED, (2018). CHED on
the Supreme Court Decision on the removal of Filipino from the New
General Education Curriculum. Nakuha mula sa https://ched.gov.ph/ched-on-the-supreme-court-decision-on-the-removal-of-filipino-from-the-new-general-education- noong Mayo 18, 2022.
CIIT, (n.d.). Finding
“The One”: How to Choose the Best SHS Track and Strand for You.
Nakuha mula sa https://www.ciit.edu.ph/perfect-track-and-strand noong Mayo 17, 2022.
Magsambol, B. (2020). PH
lowest among 58 countries in math, science – global assessment.
Nakuha mula sa
https://www.rappler.com/nation/filipino-students-lagging-behind-math-science-timms-inte
rnational-results-2019/G noong Mayo 17, 2022.
Mongaya, K. (2018).
Removal of Filipino language and literature as required college
subjects
sparks opposition. Nakuha mula sa
https://globalvoices.org/2018/12/14/removal-of-filipino-language-and-literature-as-require
d-college-subjects-sparks-opposition/ noong Mayo 17, 2022.
Sionil Jose, F. (2011).
Why are we shallow?. Nakuha mula sa
https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and-culture/2011/09/12/725822/why-we-are-shallow noong Mayo 16, 2022.
Tomas, MJ. & et al.
(2021). The Perceived Challenges in Reading of Learners: Basis for
School Reading Programs. Open Journal of Social
Sciences, 9(5).
Nakuha mula sa
https://www.scirp.org/journal/paperinformation.aspx?paperid=109033#:~:text=That%20is
,%2080%25%20of%20the,in%20basic%20reading%20and%20comprehension.
noong Mayo 16, 2022.
Comments
Post a Comment