“Kultura at Komunikasyon sa Iba’t Ibang Larangang Multikultural sa Pilipinas at Global na setting sa Kasalukuyang Panahon” | Photo Essay
“Kultura at Komunikasyon sa Iba’t Ibang Larangang Multikultural sa Pilipinas at Global na setting sa Kasalukuyang Panahon”
“Kultura at Komunikasyon sa Iba’t Ibang Larangang Multikural sa
Pilipinas at Global na Setting sa Kasalukuyang Panahon” ito ang pamagat ng
sanaysay na inyong babasahin sa oras na ito. Subalit bakit nga ba Itong paksang
ito ang naisipan kong isulat at pagtuunan ng malaking oras kaysa gumawa na
lamang ng iba? Marami man kayong masagot or walang maisip na sagot kung bakit.
Simple lamang ang dahilan, Ano nga ba ang dahilan? Hindi ko na kayo bibiguin at
patagalin. Tumungo na tayo sa sanaysay na ito.
Sa bilis na pagdaloy ng oras at panahon, kasama rito ang mabilis na pag-unlad
at pagpapabuti ng teknolohiya, lalong lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kung
saan dahil sa mga inobasyon at kagalingan ng mga siyentipiko at mga inhinyero
sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang interaksyon at pakikipag halubilo ng bawat
tao ay mas malapit na kumpara sa mga dating sistema at mga gawi. Halimbawa,
nabuo at kumalat ang gamit ng Internet at ng World Wide Web (WWW) noong mga
1990s.
At dahil doon, naging daan ito upang ang mga tao ay kumonekta at
makipag-usap sa isa’t isa. At simula noong 1990s hanggang sa ngayon, mas umunlad
pa ang teknolohiya at dumating ang mga Social Media Applications tulad
ng Facebook, Twitter, Reddit, Pinterest, Discord at marami pang iba. At dahil sa
mga applikasyong ito mas umunlad ang interaksyon at komunikasyon ng mga tao.
Hindi na lamang sa lokal na setting ang kanilang pakikipag-usap subalit ang mga
interaksyon ngayon ay lampas sa hanggangan ng isang lugar at sila’y napupuntang
global.
At dahil sa kaunlaran ng mga pangyayaring ito naging possible ang mas pag-unlad
ng Globalisasyon, kung saan ang mga tao ay mas nagiging interconnected,
ang mga kultura, tradisyon at paniniwala ay napa pasa-pasa sa iba’t ibang lahi.
Sa madaling salita, mas laganap na ang multikultural na komunikasyon sa
kasalukuyang panahon dulot ng teknolohiya at mas pagkakaisa ng mga tao sa Lokal
and Global na setting. At tulad ng nakikita ninyo sa larawan sa may itaas,
dahil sa mas laganap na interaksyon at komunikasyon ng mga tao sa bawat isa. Nagpa
pasa-pasa at napapaunlad ang iba’t ibang kultura ito man ay mapabilang sa tradisyonal
na kultura, media culture, pop culture, video games at kultura ng musika.
Ang Kultura at Komunikasyon, ay magkatambal at magkaugnay na mga termino
sa kanilang paksa at layunin. Kung saan bilang isang konsepto hinding hindi ito mapaghihiwalay at maipagkakaila. ito
ay may pundamental na ugnayan at ibig sabihin. Sapagkat ang kultura at
komunikasyon ay kambal sa pagpapaunlad ng identidad at pagkakakilala ng isang
tao bilang miyembro ng lipunan lalo na sa kasalukuyang panahon.
Sinasabi ng ibang mga eksperto at mga sikolohista na ang Pilipinas daw ay
isang mainit na kasirola. Kung saan lahat ng Kultura, Lokal at Global, ay
tinatanggap at niluluto ng mga Pilipino. Ang komunikasyon ang nagsilbing daan upang
pagpasa at mabahagi ang mga kultura sa buong mundo. Sa ating mga komunikasyon
at interaksyon sa iba’t ibang mga tao. Tandaan bilang mga Pilipino sa multikultural
na komunikasyon na parating maging mapanuri at mapagmatyag.
Pagpalain ang Panginoon!
Comments
Post a Comment